ISANG DIPANG LANGIT

 RAZEL M. OSTAGA 


ISANG DIPANG LANGIT" ni Amado Hernandez

November 25, 2021

Isang Dipang Langit"


Ako’y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko’y piitin,

katawang marupok, aniya’y pagsuko,

damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdig

at inaring kahit buhay man ay patay.


Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha,

maramot na birang ng pusong may sugat,

watawat ng aking pagkapariwara.


Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi’t walang makalapit;

sigaw ng bilanggo sa katabing moog,

anaki’y atungal ng hayop sa yungib.


Ang maghapo’y tila isang tanikala

na kala-kaladkad ng paang madugo

ang buong magdamag ay kulambong luksa

ng kabaong waring lungga ng bilanggo.


Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,

kawil ng kadena ang kumakalanding;

sa maputlang araw saglit ibibilad,

sanlibong aninong iniluwa ng dilim.


Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang

sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,

sa bitayang moog, may naghihingalo.


At ito ang tanging daigdig ko ngayon –

bilangguang mandi’y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.


Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap

at batis pa rin itong aking puso:

piita’y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng di pagsuko.


Ang tao’t Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api,

tanang paniniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilya’y may bayang gaganti.


At bukas, diyan din, aking matatanaw

sa sandipang langit na wala nang luha,

sisikat ang gintong araw ng tagumpay…

layang sasalubong ako sa paglaya!


I.Uri ng tula maari itong masabing isang tulang elehiya, dahil ito ay nagsasaad ng matindint kalungkotan. ang teoryang pampanitikan na angkop gamitin sa pagsusuri ay ang teoryang sosyolohikal dahil ito ay patungkol sa karanasan ng my akda. sya rin ang nagsasalamin sa nangyayari sa ating lipunan ngayon.


Ang taglay na diwa/tema na na inilalarawan ng persona sa tula ay gusto niyang ipabatid na sa kabila ng dilim ay may liwanag na darating. huwag tayo mawalan ng pag-asa dahil habang tayo ay nabubuhay laging merong pag asa sa araw-araw.


Ang nagustohan ko sa tulang ito ay abng ika siyam na saknong dahil maramdaman mo na hindi nawawalan ng pag asa ang may akda sa kabila ng hirap na kanyang nararanasan.


II. Si Armado V. Hernandez ay kinikilalang dakilang Pilipino ng ating bansa. Siya’y isang manunulat, nobelista, makata, lider-manggagawa, at bilanggong pulitikal. Siya ng kanyang asawang si Atang dela Rama ang isa sa dalawang mag-asawa na kinikilalang National Artist ng Pilipinas, at meron din siyang nobelang naitampok na pinamagatang " Luha ng Buwaya".


III.Si Amádo V. Hernández ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1973. Mas kilala siya bilang Ka Amado sa kaniyang mga kaibigan at kasáma sa kilusang paggawa. Kinilala siya dahil sa mga akdang makabayan at nakikisangkot sa mga problemang panlipunan at dahil sa kaniyang totoong paglahok sa organisasyong pampolitika.

Nagsimula siya bílang manunulat at editor bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng digma, naging kinatawan siya ng Newspaper Guild of the Philippines sa pamunuan ng Congress of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo siya ng CLO noong 1947 at nahalal ding Konsehal ng Maynila noong 1945 at 1947. Nang sumiklab ang pag-aalsang Huk, isa siya sa pinaghinalaang Komunista at dinakip. Kahanga-hanga ang pangyayaring marami siyang nasulat na akdang pampanitikan habang nakabilanggo at nililitis. Napawalang-sala siya noong 1964 at nagpatuloy sa pakikilahok pampolitika hanggang mamatay noong 24 Marso 1970.

Comments